DAGUPAN, CITY- Matindi ngayon ang pangangailangan ng mga mamamayan na biktima ng tumamang magnitude 5.6 na lindol sa West Java province at iba pang kalapit na lugar sa Indonesia ng mga kumot at iba pang suplay ng gamot at gamit.
Ayon kay Bombo International Correspondent Marilyn Pangilinan Dolor, dahil sa matinding pinsala sa mga bahay, at iba pang imprastraktura sa nabanggit na bansa, maraming mga mamamayan ang natutulog sa labas dahil sa hindi na nasalbang mga gamit.
Aniya, nasa higit 13,000 na katao ang naapektuhan ng lindol at tinatayang nasa 3,167 na tahanan, 4 na government facilities, 3 paaralan, 1 ospital, at 1 islamic boardin school ang matinding napinsala dahil sa nabanggit na insidente.
Umaasa naman sila na hindi na dumagdag ang ilang pagkakatala ng mga pag-ulan na maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng landslide lalao na sa mabundok na bahagi ng Cianjur West Java.
Samantala, wala namang Pilipino ang nadamay sa indente ngunit sa kasalukuyan inaasahan na rin ng mga otoridad na maari pang madadagdagan ang mga bilang ng casualty sa naganap na lindol dahil isinasagawa pa lamang ang ilang search and retrieval operations sa mga katao na nawala na maaring natabunan ng mga debris ng mga pinabagsak ng naturang lindol.