Nagpapatuloy ang isinasagawang imbistigasyon ng mga otoridad kaugnay sa natagpuang wala ng buhay na katawan ng isang lalaki sa Calmay River dito sa lungsod ng Dagupan.
Una rito ay nakatanggap ng ulat ang mga pulis mula sa isang Fortunato Soriano, 41 anyos at isang fish vendor ukol sa umanoy palutang lutang na katawan ng isang lalaki na unang nakita ng isang fishing boat driver na kinilalang si John Rondero, 46 anyos.
Isinalarawan ang biktima na may suot na kulay itim na pang itaas at pang-ibabang damit, nasa 5 feet ar 7 inches ang tangkad, mayroong medium built na katawan, nakabarber’s cut at timatayang nasa 30-45 anyos ang edad.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang tunay na rason ng kanyang kamatayan.