DAGUPAN CITY- Palutang-lutang at wala ng saplot ng makita umano ng isang mangingisda ang bangkay ng isang lalaki sa baybayin ng San Fabian pasado alas singko ng hapon nitong nakaraang araw lamang.
Ayon kay Plt Castillo, hirap umano tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima dahil bukod sa wala na itong saplot, naaagnas na rin umano ito.
May mga nagpakilala na rin di umanong pamilya ng biktima pero hanggang ngayon hindi pa nakukumpirma kaya nananawagan sila na isailalim ang bangkay sa forensic examination para mapadali ang pagtukoy sa pqgkakakilanlan ng biktima.
Ang nagpakilalang kaanak ng biktima sa pulisya, mula pa sa bayan ng Dasol kaya posible umano na mula pa sa baybayin ng Dasol ang biktima na napadpad na lamang sa nasabing lugar.
Sa ngayon, pansamantala munang nakasilid ang katawan ng biktima sa pampublikong sementeryo habang hinihintay ang kaanak ng biktima.
Patuloy rin ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipag-ugnayan kung may nawawala silang kaanak na maaaring tumugma sa deskripsyon ng natagpuang bangkay.