Isang bangkay ng tatlong taong gulang na batang babae ang natagpuang lumulutang sa tubig baha sa Brgy. Poblacion. West, sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Ayon kay PLTCOL Ferdinand De Asis, ang hepe ng Calasiao PNP nadiskubre na lamang ito ng mga magulang ng biktima nang magising ang mga ito ng bandang alas once ng gabi at wala sakanilang tabi ang bata.
Nang lumabas naman ang ina ng biktima upang hanapin ito ay dito na niya natukalasan ang wala ng buhay na katawan ng kaniyang anak na lumulutang sa tubig baha na nasa 1 and a half feet ang lalim.
Sinubukan pa itong dalhin sa Region1 Medical Center ngunit ideneklara ding dead on arrival ng attending physician.
Nang magsagawa naman ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa bahay mismo ng biktima ay napagalaman na walang railings ang bahay nang mga ito na gawa lamang sa kawayan.
Hinala naman ng mga kapulisan na maaaring habang naglalaro ang biktima ay nahulog ito na dahilan ng pagkakaroon ng injury sa ulo at leeg at saka na lamang nalunod sa tubig baha.
Sa ngayon ay patuloy parin ang post mortem examination sa bata at isasailalim sana ito sa autopsy ngunit tumanggi ang magulang nito.
Kinokonsidera naman sa ngayon ang maaring pagsasampa ng demanda laban sa mga magulang ng biktima dahil sa wreckless imprudence na naging dahilan ng pagkamatay ng bata.
Nagpaalala sa mga magulang ang naturang opisyal na huwag pabayaan ang mga anak lalo na at maulan at mataas ang tubig baha.



