Dagupan City – Nasawi ang isang indibidwal matapos bumangga ang isang bus sa tricycle na sinasakyan nila sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Canarvacanan, Binalonan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, parehong patungo sa timog ang kulong-kulong na minamaneho ng isang 36-anyos na butcher, at ang isang bus na minamaneho naman ng isang 41-anyos na bus driver.

Sa pagdating sa pinangyarihan ng insidente, sinubukan umanong mag-overtake ng bus sa Kulong kulong kung saan habang nagmamaneobra, tinamaan ng bus sa likod ang tricycle, na nagresulta sa pagkawala ng balanse at pagbagsak nito sa kalsada.

--Ads--

Dahil dito, nasugatan ang driver at pasahero ng tricycle kaya agad silang dinala sa Urdaneta District Hospital, ngunit idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang pasahero ng tricycle habang nilalapatan ng lunas.

Hindi naman nasaktan ang driver ng bus at boluntaryong sumuko sa Binalonan PNP para sa kaukulang dokumentasyon at dinala rin siya sa Urdaneta District Hospital para sa medical examination.

Parehong nagtamo ng sira ang mga sasakyang sangkot sa aksidente, at kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng mga pinsala.