DAGUPAN CITY – Maaaring makaapekto sa mga nais mamuhunan sa bansa ang kasalukuyang nangyayaring bangayan sa pagitan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Blanco Pitlo III – Foreign Affairs and Security Analyst magkakaroon ng impact ang mga ganitong pangyayari sa magiging desisyon ng mga negosyante kung papasok ba sila at magnenegosyo sa bansa o hindi.
Dahil dito ay mayroon din itong epekto sa development at ekonomiya ng bansa kaya’t mahalagang malaman natin kung paano tayo manghihikayat ng mamumuhunan sa Pilipinas.
Bagama’t ay mas lalong tumitindi ang bangayan sa dalawang panig ay tila ba matatakot o mag-aalanganin ang mga magnegosyo.
Samantala, dagdag pa ni Pitlo na naaapektuhan din ang ating mga kababayan sa mga ganitong pangyayari kaya’t panawagan niya sa publiko lalo na at nalalapit na ang pasko na dapat ay may mag-step up sa dalawang panig at pababain ang tensiyon gayundin ang pagkakaroon ng dayalogo upang hindi na umabot sa ganitong klase ng mabibigat na bangayan.