BOMBO DAGUPAN – “Hindi lang posibilidad na matanggal siya bilang alkalde ngunit mawawalan din siya ng kalayaan dahil karamihan sa mga ipapataw na kaso laban sa kanya ay non-bailable.”
Yan ang ibinahagi ni Atty Joseph Emmanuel Cera kaugnay sa nakatakdang paghahain ng mas marami pang kaso ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Aniya na kapag napatunayan na hindi ito pilipino ay haharap ito sa patong-patong na kaso kung saan ang preventive suspension na ipinataw sa kanya ay hindi naman talaga penalty ngunit isa lamang paraan upang siya ay malayang maimbestigahan upang malaman kung sapat ang ebidensiya laban sa kanya.
Kaugnay naman sa kanyang late registration ng kanyang birth certificate ani Atty.Cera na kapag mapag-alaman na may kinalaman din ang mga opisyales na nagregister sa kanya ay maaari silang isama sa sasampahan ng kaso.
Sa kasalukuyan, ang paghahain kay Mayor Guo ng kasong human trafficking ay ang pinakamabigat na kasong ipinapataw sakanya.