DAGUPAN, CITY- Isinusulong ng pamunuan ng Balococ Elementary School sa bayan ng Lingayen ang mga programa para matutukan ang pagpapahusay pa sa reading comprehension ng mga estudyante.
Ito ay kasunod na rin ng adbokasiya ng kagawaran ng edukasyon para sa National Reading Month ngayong taon.
Ayon kay Amorsola Fernandez Celestino, Principal 1 ng Balococ Elementary School para mas mabigyang pansin ang pagtutok sa pagpapataas sa antas ng reading comprehension sa kanilang paaralan ay kanilang ilulunsad ang Balococ best futuristic instructional material para maihanda ang mga estudayante at mga guro sa kanilang mga sanayin upang mas malinang ang pagbabasa at comprehension.
Aniya, layunin nito na mabigyan ng angkop na materyal ang mga mga estudyante para sila ay matuto at para naman sa mga guro ay ang mga kabisado nilang mga instuctional material para magamit sa pagtuturo sa mga guro.
Base kasi sa kanilang nakita sa Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI)kanilang bibigyang pansin ang nasa 52 na frustration learners sa world recognition at gayundin ang 73 frustration reading comprehension.
Balak nilang ilunsad ang nasabing innovative workplan para mabigyang atensyon ang mga estudyante na nahuhuli at nahihirapan sa pagbabasa.
Napag-alaman nila na malaking tulong ang pagsabay sa hilig ng mga estudyante gaya na lamang ng cellphone lalo na kung ito ang kanilang prefered gadget para matuto sa kanyang aralin.
Dagdag pa nito, bagaman isa ang bansa sa mga nahuhuli sa reading comprehension, nais nilang mahabol ang mga targeted learning areas gaya ng Reading, Writing, at Arithmetic (3Rs).