Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng kalabaw na mala-zebra?

Ito kasi ang naisip ng mga taga-Japan para mapalayas at maiwaksi ang mga langaw?

Ayon sa ulat, pininturahan ng mga scientists ang mga baka ng zebra stripes para hindi dapuan ng mga langaw.

--Ads--

Kung saan layunin nila ang “unusual scientific achievements” na “to make people laugh first and then make them think.”

Ang grupo na binubuo ng 11 researchers mula sa Kyoto University at sa Aichi Agricultural Research Centre na kinilala sa ginanap na awards ceremony sa Boston.

Hindi lang din ito ang pagkakataon dahil ito na ang ika-19th consecutive time na tumanggap ng Ig Nobel ang Japanese team.

Isa rin kasi sila sa tumanggap ng 35th edition ng annual awards, na inorganisa ng science humor magazine na Annals of Improbable Research.

Isinagawa naman ng Japanese scientists ang experiment para madetermina may epekto ang pagpipintura ng zebra stripes sa dami ng mga langaw na dumadapo at kumakagat sa mga baka.