Nagdulot ng kaguluhan ang isang baka matapos nitong akyatin ang bleachers ng isang livestock auction sa Decatur, Arkansas, na nauwi sa pagkasira ng bahagi ng bubong at pagtakbuhan ng mga dumalo sa palibot ng sale ring.
Sa isang video na kuha ni Ashley Buffer, makikitang nakarating ang baka hanggang sa itaas na bahagi ng bleachers, kung saan nabuwal nito ang ilang ceiling tiles habang nagwawala.
At habang nagpupumiglas ang baka, nagsitakbuhan ang mga tao at dali-daling lumikas sa kani-kanilang kinauupuan upang makaiwas sa posibleng kapahamakan.
Sigaw ng mga tao “Umalis ka riyan” subalit ang baka tuloy parin sa pagwawala.
Tila ba nais niya ding sumali rin sa nasabing auction.
Sa kabila naman ng insidente, ay wala namang napaulat na nasaktan, ngunit tiyak na hindi ito isang ordinaryong araw sa auction.