Tukoy na ang bahay na pinagmulan ng nangyaring sunog kahapon ng tanghali sa Sitio Riverside, Arellano St., Barangay Pantal, Dagupan City.

Batay sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fire Chief Inspector Bryan Pocyao ng Dagupan BFP, napag-alamang nag-umpisa ito sa tahanan ng nagngangalang Antonio Flores.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan nito.

--Ads--

Tinatayang humigit kumulang 150 kabahayan ang natupok ng apoy.

Matatandaang apat na minutos matapos maitawag ang insidente sa Dagupan BFP nang masimulang apulahin ito dakong 12:20 ng tanghali at idineklarang fire out noong 2:02 ng hapon.

Nasa 13 responding nearby municipalities naman ang tumulong, kasama ng 9 pang firetruck volunteers.

Saad ng Dagupan BFP Chief, malaki ang area na natupok ng apoy ngunit may kasikipan ang daan dahilan upang maliliit lamang na firetrucks ang nakapasok sa mga iskinita.

Madali naman umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan; malakas ang hangin; at bunsod na rin ng init ng panahon.

Voice of Fire Chief Inspector Bryan Pocyao

Samantala, wala namang naitalang sugatan at nasawi sa nautrang insidente.

Sa ngayon ay tapos na ang overhauling ng BFP upang matiyak na wala ng anumang liyab sa lugar ngunit hindi pa rin pinapayagan ang mga residente roon na makabalik.