Humina na ang bagyong “Paolo” at ngayon ay isa nang Severe Tropical Storm habang nasa bahagi na ito ng West Philippine Sea.

Nitong hapon, tinatayang nasa baybayin na ito ng Santa Cruz, Ilocos Sur ang sentro ng bagyo.

Taglay nito ang lakas na hangin na umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na hanggang 165 km/h. May bilis itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa 35 km/h.

--Ads--

Signal No. 3:
Ilocos Sur
La Union
Timog-kanlurang bahagi ng Abra
Kanlurang bahagi ng Kalinga
Kanlurang bahagi ng Mountain Province
Kanlurang bahagi ng Ifugao
Benguet

Signal No. 2:
Timog bahagi ng Ilocos Norte
Pangasinan
Natitirang bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao
Kanlurang bahagi ng Isabela
Hilagang-kanlurang bahagi ng Quirino
Hilaga at gitnang bahagi ng Nueva Vizcaya
Pinakahilagang bahagi ng Nueva Ecija

Signal No. 1:
Natitirang bahagi ng Ilocos Norte
Apayao
Batanes
Mainland Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Nueva Ecija
Aurora
Tarlac
Zambales
Pampanga
Bulacan
Hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands