Napanatili ang lakas ng Bagyong Henry habang patuloy itong kumikilos pakanluran sa West Philippine Sea o 240 kilometro mula sa Abucay, Bataan.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h at pagbugso hanggang 55 km/h.

Nakataas pa rin ang Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon, kung saan inaasahan ang minimal hanggang minor na epekto ng malalakas na hangin. Bukod dito, ang habagat na pinalakas ng bagyo ay magdadala ng malalakas na bugso sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Pangasinan, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA.

--Ads--

Pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na umiwas muna sa paglalayag dahil sa katamtamang taas ng alon na aabot sa 2.5 metro sa ilang baybayin. Inaasahang lalakas pa si Henry at maaaring maging tropical storm pagsapit ng Hulyo 2.

Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling-araw.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang buhay at ari-arian