BOMBO DAGUPAN – Mas malakas ang bagyong Carina kaysa sa bagyong Ondoy.
Ayon kay Mr. Gener Quitlong – Weather Specialist ng Weather Bureau, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, umabot sa super typhoon si Carina habang si Ondoy ay hanggang tropical depression pero ang problema ay nag landfall at tumama sa kalupaan habang si Carina ay hindi nag landfall at nasa gilid lamang.
Aniya, sa panahon ng bagyong Ondoy ay mas marami ang ulan pero galing sa bagyo ang ulan.
--Ads--
Samatalang kay Carina, ang nagdulot ng pag ulan ay ang habagat dahil masyadong malakas at nagtuloy tuloy ang pag ulan, na kahit nakalabas na ay nakakaranas pa rin ng pag ulan sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa northern Luzon.