Dagupan City – Inilunsad ang isang makabuluhang hakbang para sa kalinisan at kaayusan ng bayan matapos pangunahan ni Mayor Alfe Macaranas Soriano ang pormal na Ribbon Cutting Ceremony ng bagong Public Restroom sa Malasiqui Public Market.
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng mas maayos, ligtas, at accessible na pasilidad para sa publiko, lalo na sa mga residente at bisitang araw-araw na gumagamit ng lugar.
Kasama ng alkalde ang ilan pa sa mga councilor, na nagpaabot ng kanilang suporta sa programa ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaganda ng mga imprastraktura at serbisyong pampubliko.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng maayos na sanitasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mas malinis at maaliwalas na kapaligiran para sa mga residente.
Sa pagbubukas ng pasilidad, inaasahang mas magiging maginhawa at organisado ang paggamit ng pampublikong restroom para sa lahat ng mamamayan at bisita ng bayan.










