Dagupan City – Itinanghal bilang Limgas na Aguilar 2026 si Ms. Hanna Jamela A. Embuido ng Barangay Laoag matapos ang isang makulay at kompetitibong patimpalak bilang bahagi ng Ansakket Festival 2026 sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.
Nasungkit naman ni Ms. Apple Mae D. Bravo ng Barangay Bocboc West ang titulong First Runner-up, habang itinanghal na Second Runner-up si Ms. Marianne Dhie Salazar ng Barangay Buer.
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kagandahan, talino, at kakayahan sa iba’t ibang bahagi ng kompetisyon na nagbigay kulay at sigla sa pagdiriwang ng pista ng bayan.
Bukod sa mga nagwagi, kinilala rin ang lahat ng mga kandidata na lumahok sa patimpalak bilang bahagi ng tagumpay ng naturang aktibidad na naglalayong itampok ang talento at kumpiyansa ng kababaihan sa Aguilar.
Ang Limgas na Aguilar ay patuloy na nagsisilbing simbolo ng ganda, talino, at pagmamalaki ng mga kababaihan sa nasabing bayan.










