Dagupan City – Tila ba hindi pa rin maka-move on ang mga fans ng actress-singer na si Maris Racal at ang ex-boyfriend nitong si Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Ito’y matapos mag-viral sa social media ang official visualizer ng bagong bersiyon ni Rico ng Rivermaya classic song na “Kisapmata” kung saan ay nagpapahiwatig na pinasalamatan niya ang dating nobya.

Ang kantang “Kisapmata,” na si Rico mismo ang sumulat, ay tungkol sa pag-iibigan ng magkasintahan na sa isang iglap ay bigla na lang naglaho, at unang ni-release noong Pebrero 14, 1996.

--Ads--

Sa caption ni Rico, nagpasalamat siya kay Maris, na nagsilbi raw na “telecaster” habang shinu-shoot niya ang music video.

Dahil dito, marami pa ring mga fans ang hanggang ngayon ay umaasa pa ring magkakabalikan ang dalawa. Matapos kumpirmahin ni Maris noong Hulyo 12, 2024 na wala na sila ng nobyo.