BOMBO DAGUPAN – Aabot ng $82,000 o katumbas ay PHP4.8 million ang posibleng maging multa ng babaeng pasahero ng isang eroplano noong 2021.
Ang Texas woman na kinilalang si Heather Wells, ay nagwala at nanakit habang sakay ng isang business-class flight ng American Airlines noong July 2021.
Kinasuhan siya ng Federal Aviation Administration (FAA) dahil sa kanyang naging violent behavior habang nasa isang flight.
Nahati sa tatlong civil penalties ang kaso laban kay Heather: multang $45,000 (PHP2.6 million) para sa pagbabanta at pananakit sa flight crew at ilang pasahero, $28,000 (PHP1.6 million) sa tangkang buksan ang cabin door habang lumilipad ang eroplano, at $9,000 (PHP527,000) dahil sa panghihimasok sa trabaho ng crew members na naka-duty.
Ayon sa complaint ng, na isinumite sa U.S. District Court lumipad si Heather mula Dallas/Fort Worth International Airport, papuntang Charlotte Douglas International Airport sa North Carolina.
Habang nasa biyahe, humingi ang female passenger ng alcoholic drink, sa crew member.
Ang sumunod ay nagwala ito sa sinasakyang eroplano at pinagsasabihan ng kung anu-ano ang ibang mga pasahero.
Lumapit sa kanya ang isang male crew member para pakalmahin, pero pinagsabihan niya ito ng hindi maganda at binantaang sasaktan at nagawang itulak pa umano ang flight attendant.
Nagtungo ang pasahero sa unahan ng lumilipad na eroplano at tinangkang buksan ang front cabin door ngunit pinagtulungan siyang pigilan ng dalawang crew members at isa pang pasahero.
Dahil sa struggle, makailang ulit tinamaan ng nag-aamok na pasahero sa ulo ang isa sa flight attendants.
Nang hindi pa rin kumakalma ang pasahero ay dito na itinali sa upuan at tinapalan ng duct tape sa bibig para mapigilan sa pag-iingay.
Nangyari lahat ito habang lumilipad ang eroplano.
Nang mag-landing ang plane sa destinasyon, nakawala ang pagkakatali ng paa ng pasahero at tuloy-tuloy ang pagsipa hanggang masira ang upuan sa kanyang harapan.
Nang makalabas ang lahat ng pasahero, sinaksakan ng sedative ang nagwawalang pasahero para maibaba siya.
At nitong kasalukuyang buwan ay isinumite ng FAA ang kaso laban sa naturang babae.