Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kapag aksidente mong nalunok ang iyong wedding ring?

Ito ay matapos ang isang babae sa kaniyang bakasyon sa Thailand ang aksidenteng nalunok ang kaniyang wedding ring.

Ngunit paano kaya itong nangyari?

--Ads--

Batay sa isang video, mapanonood ang X-ray ng babae kung saan nasa loob ng kaniyang katawan ang singsing.

Kuwento ng babae na taga-Atlanta, Georgia, inalis muna niya ang kaniyang singsing bago siya maligo.

Matapos nito, uminom siya ng vitamins.

Subalit ilang saglit lang, napansin niyang nawawala na ang kaniyang singsing kaya hinanap nila ito ngunit hindi nila makita.

Nagbiro naman ang asawa niya na maaaring nalunok niya ang singsing, hanggang sa magdesisyon na silang magpa-X-Ray.

At nang mapagdesisyunan nang magpa-X-Ray ng babae, dito natuklasang nasa loob nga ng kaniyang katawan ang singsing.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng doktor na uminom ng gamot para natural itong mailabas.
Tagumpay naman ang babae na mailabas ito at naisusuot na niyang muli.