Mga kabombo! Kaya mo bang sabihin na may disability ka sa ngalan ng pension?
Eh paano na lang kung malaman mong may isang babaeng nag-claim at sinabing may disability ito sa loob ng 16 na taon sa ngalan ng pension?
Ayon sa ulat, kinilala umano ang spanish na babae at nahuling nagsinungaling na siya ay pipi upang makatanggap ng disability benefits sa loob ng 16 na taon.
Nagsimula umano siyang tumanggap ng pensyon matapos ma-trauma sa isang insidente sa kanyang pinagtatrabahuang supermarket sa Andalucía, Spain.
Dahil sa umano’y PTSD, na-diagnose siyang hindi na makapagsalita. Pero napansin ng insurance company ang ilang iregularidad, kaya’t nagpaimbestiga sila sa pamamagitan ng isang private detective.
Nahuli sa video ang babae na nakikipagkuwentuhan sa ibang magulang sa school, tumatawag sa cellphone, at sumasagot pa nang malinaw sa tanong ng detective. Agad naman umanong ginamit ang video bilang ebidensiya sa korte.
Noong Enero 2025, nagdesisyon ang High Court of Justice of Andalucía pabor sa insurance company, at sinampahan ang babae ng kasong pandaraya. Hahabulin din siya para sa perang natanggap niya sa loob ng halos dalawang dekada.