Mahigpit na sinusunod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tamang proseso sa pamamahagi ng ayuda upang maiwasan ang mga insidente ng pandaraya at maling pagkuha ng tulong.
Ayon kay Atty. Joey Tamayo, co-anchor ng Duralex Sedlex, bilang mga kawani ng gobyerno, may presumption of regular duty ang bawat empleyado ng DSWD, at ang sinumang nagmumungkahi na may nanganakaw o nakinabang nang hindi karapat-dapat sa ayuda ay kailangang may sapat na pruweba.
Aniya, bago ibigay ang ayuda, tinitingnan muna ang pagkakakilanlan ng benepisyaryo upang masiguro na pasok ito sa kwalipikasyon.
Kayat kung may sinumang kumuha ng tulong na hindi kanila at nagpanggap, maituturing itong pagpapanggap at maaaring ituring na falsification of public documents.
Ayon sa batas, maaaring makulong ng hanggang anim na taon ang mga sangkot.
Sa kabilang banda, kung may paglabag sa guidelines, maaari ring masuspinde ang ahensya.
Binigyang-diin ni Atty.Tamayo ang kahalagahan ng maingat at maayos na kritisismo at pakikipagsalamuha sa ahensya upang mapanatili ang integridad ng serbisyo publiko.










