Planong humingi ng dagdag singil sa pasahe ang Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan sa Land Transporttion Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng dagdag singil sa pamasahe dahil sa sunod sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Bernard Tuliao presidente ng Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, makikipagpulong siya sa LTFRB ngayong araw upang ipaabot ang plano.
Matapos ang pulong ay magpapatawag siya ng emergency meeting sa AUTOPRO.
Sa inisyal na kasunduan ay P2 pesos ang planong dagdag na singil.
Aniya magiging P11 na ang pamasahe kung aaprubahan ng LTFRB.
Giit ni Tuliao na hirap na hirap na ang transport sektor dahil sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis bukod pa sa 50 percent passenger capacity na puwede nilang isakay.
Wala na aniyang kikitain ang transport group kapag hindi sila humiling ng dagdag singil sa pasahe.
Matatandaan na nagtaas muli kahapon ang ilang kompanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto.
Ito na ang pang-walong magkakasunod na linggo na pagtaas sa presyo ng gasolina at pang-13 beses sa diesel.




