Dagupan City – Dumating na kaninang alas dos ng madaling araw ang mga Automated Cohnting Machine o ACM at mga paper seal para sa acm dito sa COMELEC Warehouse o Dagupan hub Dagupan City na sakay ng dalawa sa tatlong malaking truck na gagamitin para sa nalalapit na midterm elections sa May 12, 2025.
Kung saan ito ay para sa district 4,5 at 6 habang ang isa naman ay nasa lungsod ng Alaminos sa kanila namang hub.
Ang pagbubukas ay pinangunahan nina Atty. Reddy Balarbar ang siyang Acting Regional Director ng Comelec region 1, Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Suervisor, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, PNP at iba pang mga otoridad.
Ayon sa naging panayam kay Atty. Reddy Balarbar ang siyang Acting Regional Election Director ng Comelec region 1 na ito ay bilang parte sa paghahanda para sa nalalapit na election, 14 days bago sumapit ito. Dahil nakatakda rin sa May 6, ang final testing and sealing sa bawat comelec offices sa Pangasinan at La Union upang matiyak na gumagana ang mga ito at nasa maayos na kondisyon.
Tiniyak naman ng Comelec Pangasinan sa pangunguna ni Atty Ericson Oganiza ang syang provincial election supervisor seguridad na ipapatupad sa naturang hub para sa pagbabantay ng mga acm, dahil ang mga ito nakatakda ring dalhin sa bawat munisipalidad sa May 4 o 5 para sa isasagawang final testing at sealing ng mga ito.
Nasa kabuuang 2,869 ang acm na nakatalaga dito sa probinsya para sa mga cluster precint. Habang mayroong contingency para sa Dagupan hub na 194 at 297 para sa Alaminos City hub habang may parating pa na 500 nankabilang din sa nasabing kabuuang bilang.