Tinanggap ni Atty. Jesus Falcis ang desisyon ng Supreme Court (SC) na suspindihin siya ng isang taon, kasunod ng hatol na simple misconduct dahil sa kanyang social media post.
Sa kanyang opisyal na pahayag, iginiit ni Falcis na buong respeto ang kanyang ibinibigay sa kapangyarihan ng Korte Suprema na magpataw ng disiplina sa mga abogado.
Gayunpaman, ipinagtanggol niya ang kanyang mga naging pahayag bilang isang kinakailangang hakbang upang ipagtanggol ang kanyang pamilya.
Kasabay nito, hinamon ni Falcis ang sistemang pangkatarungan na ipatupad ang parehong pamantayan sa mga makapangyarihan, kabilang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte, na aniya’y dapat ding managot sa kanilang mga naging aksyon.
Binigyang-diin niya na ang prinsipyo ng “accountability should apply to all, big or small,” ay dapat manatiling gabay sa pagpapatupad ng hustisya sa bansa.










