Buong suporta ang ibinigay ni Msgr. Manuel S. Bravo at ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa nationwide bloodletting event na isinagawa ng Bombo Radyo at Star FM. Binigyang-diin ni Msgr. Bravo ang kahalagahan ng ganitong inisyatiba upang mapunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa iba’t ibang ospital.
Kasabay nito, nakiisa rin si Dr. Maria Cheryl D. Tada, chief optometrist ng Siapno-Tada Optical Clinic, sa naturang aktibidad. Ayon kay Dr. Tada, malaking tulong ang dagdag na suplay ng dugo upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa mga ospital, lalo na sa mga nagddialysis
Sa pakikiisa ng simbahan at pribadong sektor, ipinakita ng aktibidad ang sama-samang pagtugon ng komunidad sa isang konkretong pangangailangang pangkalusugan. Patuloy namang hinihikayat ng mga tagasuporta ang publiko na makibahagi sa mga blood donation drive upang masiguro ang sapat na reserba ng dugo sa mga pagamutan sa rehiyon at sa buong bansa.
Amg dugong Bombo a little pain a life to gain ay taonang blood dination activity ng bombor radyo at star fm station katuwang ang Philippines red cross para sa layuning makapagbigay ng dugo sa pangangailangan ng Hospital
Gaganapin naman ang aktibidad sa November 15 ngayong taon sa Nepo Mall mula alas 8 ng umaga hanggang alas singko ng hapon
Bukas naman ang aktibidad para sa nais magdonate ng dugo.
Home Local News Archdiocese of Lingayen-Dagupan at lokal na klinika, kaisa sa nationwide bloodletting ng...










