DAGUPAN CITY- Kilala at nakagawian nang pagpapakita ng pagmamahal ang araw ng mga puso sa Haiti.
Ayon kay Nene Sylvain, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, isang mahalagang araw para sa bansa ang gunitain ang araw ng mga puso, hindi lamang para sa mga magkasintahan kundi para sa pamilya at komunidad din.
Aniya, sa tuwing February 14, ang mismog nilalaman ng misa sa mga simbahan ay ang kasaysayan ni Saint Valentine.
Nakagawian na rin ang pagdadala ng mga bata ng tsokolate sa kanilang paaralan at gugunitain ang naturang araw.
Madalas naman bisitahin ng mga kabataan ang mga lugar na may sayawan o concert, katulad ng mga resorts.
Ang mga nakatatanda ay mas pinipiling gunitain ang araw ng mga puso sa loob na lamang ng kanilang bahay.
Habang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay nagkikita-kita at sama-sama itong ginugunita.
Samantala, habang papalapit ang February 14 ay mas dinadagsa ang samu’t saring pamilihan ng mga regalo at sa mga flowershops.










