Dagupan City – Pagpapakita ng pagkaganig sa kapangyarihan ang naging anunsyo ni Vice President Sara Duterte hinggil sa pagtakbo sa 2025 eleksyon ng kaniyang pamilya kung saan ay inaasahan itong magdudulot pa ng mas malalang political dynasty sa 2028.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, panahon na para pag-isipan ng taumbayan kung sino ang karapat-dapat na ihalal sa susunod na eleksyon na siguradong kakatawan sa interes ng publiko at hindi sa pansariling kapakanan lamang.
Hindi na anila nirespeto ang publiko, dahil lanataran na ang kanilang pagpapakita ng pagkahaman sa kapangyarihan at mistulang sinasabi ng mga ito na gagawin nila ang isang bagay dahil mabilis namang malinlang ang bayan at kaya nila itong gawin.
Kung titignan kasi aniya ay isa ng absurdong pagkilos ang ginawang pahayag ng bise sa hindi malinaw na intensyon.
Pagbabahagi pa nito, na maaring isa na naman itong palabas ng pamilyang Duterte upang makakuha ng attention sa publiko. Gaya na lamang ng drama na gagawa sila ng eksena kung saan ay sa bandang huli’y sila rin ang magmumukhang mabait at bida sa mata ng taong bayan.
Kung titignan kasi aniya ay malakas na administrasyon ang kanilang babanggain gaya na lamang ng kasalukuyang administrasyong Marcos.
Sa kabilang banda, nagpapakita naman ito aniya ng kawalan ng pag-asa sa mga indibidwal na mamayaan na may pusong tumulong sa bayan na nais ding tumakbo sa eleksyon dahil mas pinipili na lamang nilang maging botante kaysa sa makipagsabayan sa mga may pangalan na sa pulitika.