Dagupan City – ‎Isinagawa ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Health Office (MHO) ang pinaigting na anti-rabies vaccination at information campaign sa Purok 7, Barangay Anolid, Mangaldan noong Abril 30, 2025.

Kabuuang 101 aso at pusa mula sa 50 pet owners ang nabakunahan sa nasabing aktibidad. Layunin ng programa na mapigilan ang pagkalat ng rabies at mapalawak ang kaalaman ng mga residente ukol sa tamang pag-aalaga ng hayop.

Patuloy rin ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance na “Aso Mo, Itali Mo,” at ang paglalagay ng mga poster at paalala sa mga pampublikong lugar.

Hinihikayat ng LGU ang mga pet owner na samantalahin ang libreng bakuna at makiisa sa mga isinasagawang vaccination drives para sa kaligtasan ng buong komunidad.