Hiniling ng isang psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan na huwag ng ibash ang anak ng pulis na pumatay sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, isang psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan, maituturing na biktima rin ang anak ng pulis sa pangyayari.
Bilang sikolohista, ang nakikita niya ay impulsive ang mga bata na kapag medyo napapaaway o nadedehado ang miyembro ng kanilang pamilya ay nakikialam sila.
Paliwanag ni Domenden, na kahit medyo bastos ang dating ng bata ay hindi pa rin tama gusgahan ang kanyang mga magulang na hindi naging maganda ang pagpapalaki rito.
Giit niya na sa pagiging bata ay hindi pa nahubog ng mabuti ang pag iisip nito.
Paliwanag ni Domenden, ang mga tao ay may tinatawag na persona at shadow.
Ang persona ay ang ipinapakitang mabuti sa ibang tao, pero kahit gaano kabuti ang tao ay lumalabas din ang hindi magandang pagkatao lalo na kapag itoy nasa alanganing sitwasyon na.
Makikita sa viral na video ang anak ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na sumisigaw bago pagbabarilin ng pulis sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio.