Ma kabombo! Sabi nga nila, napakasakit mawalan ng mahal sa buhay.

Ito kasi ang nangyari sa isang ama sa Mexico kung saan ay nasawi ang kaniyang anak.

Ngunit hindi rito nagtatapos dahil may nakikita siyang dahilan.

--Ads--

Ayon sa ulat, inaakusahan nito ang kanyang ex-wife at ang plastic surgeon nitong boyfriend na sila ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang 14-anyos na anak na babae.

Paano ba naman kasi, tila sumailalim ang anak sa iba’t ibang plastic surgery procedures, kabilang ang breast implants, nang walang pahintulot niya.

Kinilala ang bata na si Paloma Nicole Arellano Escobedo kung saan ay nasawi sa isang ospital sa Durango, Mexico, matapos mag­karoon ng cerebral edema dahil sa isang respiratory illness.

Ayon sa Mexican news media, diumano’y sumailalim si Paloma sa ilang procedures, kabilang ang breast augmentation, Brazilian Butt Lift, at lipo­suction.

Nagdulot ang kasong ito ng galit sa publiko sa Mexico, at naglunsad ang mga awtoridad ng imbes­tigasyon sa pagkamatay ng teenager.

Sa panayam sa ama, sinabi nito na nakausap niya ang ina ng teenager humigit-kumulang isang linggo bago ang kamatayan nito, at sinabi raw ng ina na pupunta sila sa mga bundok dahil nagposi­tibo si Paloma sa COVID-19.

Ilang araw pagkatapos, tumawag ang ina upang sabihin na naospital ang anak dahil sa malubhang kondisyon.

Sa libing lang niya napansin na may kakaiba sa katawan ng anak.

Dito na niya pinasuri ang katawan ng anak at lumabas na nagpositibo ito sa mga operasyon.

Dinala niya ang ebidensya sa pulisya kinabukasan at humiling ng imbestigasyon sa bagay na ito.

Kumbinsido siya na ang procedure ay regalo mula sa ina ni Paloma para sa kanyang nalalapit na ika-15 kaarawan at ang nagretoke dito ay ang boyfriend nito na plastic surgeon.

Bagama’t hindi pa napapatunayan ng imbestigasyon ang anumang paratang ni Carlos Arellano, ang pagkamatay ni Paloma ay naging malaking usapin at kontrobersiya sa buong Mexico.