Dagupan City – Dismayado ang Alliance of Health Worker sa Ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers, ito’y matapos na hindi man lang nabanggit ng pangulo ang tugon sa mga delay na sahod ng mga health workers.

Aniya, bukod kasi sa mababang sahod ng mga ito, dumagdag pa ang kakulangan sa kagamitan na siyang dapat tutukan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

--Ads--

Binigyang diin pa nito na 10% sa gross domestic product ay dapat awtomatikong inilalaan sa departamento ng kalusugan malayo sa nangyayari ngayon na tila ba’y mababawasan.

Muli naman nitong tinaslakay ang aptuloy na pag-alis ng mga health workers sa bansa, dala na rin ng mababang sahod at maituturing na hindi makabubuhay. Kung sana lamang aniya ay itaas ang sahod sa mga health workers ay maaring manatili pa ang mga ito sa bansa kung saan ay malaya nilang makakasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Matatandaan na ipinanawagan ng kanilang grupo ang maayos na sahod at dagdag benepisyo sa lahat ng nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan, kasabay ng kaniyang naging pagdalo sa ikatlong SONA ng pangulo.