Nakatakdang makaharap ni Filipina tennis sensation Alex Eala si Elena-Gabriela Ruse sa Cincinnati Open.

Ang mananalo sa kanilang laban ay haharap sa quarterfinals sa pagitan ng No. 9 seed na si Amanda Anisimova at Zeynep Sonmez.

Noong nakaraang taon, hindi nakalaro si Eala sa Cincinnati Open matapos siyang umatras dahil sa injury sa balikat.

--Ads--

Samantala, galing si Eala sa Canadian Open sa Toronto kung saan umabot siya sa Round of 16 bago natalo kay Belinda Bencic.

Mula nang magkaroon ng breakthrough sa Miami Open noong nakaraang taon, patuloy na gumagawa ng kasaysayan si Eala.
Umakyat na siya sa No. 20 sa world rankings at naging crowd favorite sa iba’t ibang torneo.

Ayon kay Eala, nakikita niya ang pagkakatulad ng kaniyang journey kay Pacquiao, lalo na sa paraan kung paano nagkakaisa ang mga Pilipino upang suportahan ang isang atleta.

Gayunpaman, sinabi ng tennis star na malayo pa siya sa antas ng tagumpay na naabot ni Pacquiao sa boxing. Via Bombo John Florez