Dagupan City – Kinilala sa Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) conference sa Ormoc City, ang Alaminos City kung saan nakatanggap ang lungsod ng pagkilala para sa kanilang Kawayan entry sa non-food category.
Ibinahagi ni Miguel “Mike” Sison, Tourism Officer ng Alaminos City, ang naging pagkilala sa kanilang lungsod kung saan ay ginawaran din umano siya ng pagkilala bilang Most Outstanding Tourism Officer in the Philippines dahil sa kanyang kontribusyon sa pagpapaunlad ng turismo.
Kabilang din sa mga tinalakay ang paghahanda ng lungsod sa posibleng pagdating ng mga cruise ship at ang mga programa upang higit pang maisulong ang Alaminos City bilang destinasyon ng mga turista.
Kaugnay nito, napalamutian naman na aniya ang Alaminos City Tourism Office na may temang under the sea bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa mga aktibidad ngayong Undas.










