BOMBO DAGUPAN – Maugong ang usap-usapang tatakbo bilang konsehal ng Pasig City ang aktres na si Ara Mina sa 2025 mid-term elections.

Kung saan ilang beses nang namataan si Ara, kasama ang mga katiket umano niya, na nag-iikot-ikot sa mga barangay sa Pasig para sa gift-giving at medical mission.

Ang sinasabing sasalihang partido ni Ara ang makakalaban ng partido ng kasalukuyang Pasig City Mayor na si Vico Sotto.

--Ads--

Sa isang ulat ay diretsahang tinanong ang aktres tungkol dito kung saan sagot niya ay maraming bali-balita at maraming offer sakanya subalit sabi lang niya “we’ll see” at pag-uusapan muna nila ang bagay na ito ng kaniyang pamilya

Samantala, matatandaan na kasama si Ara sa pelikulang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, na tungkol sa buhay ni Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte.

Kung saan siya ang gumaganap bilang si Catthy, ang asawa ni Mayor Mamay na ginagampanan naman ni Jeric Raval.