Mga kabombo!

May kasabihan na, “It’s hard to say goodbye.”

Pero hindi ito uubra sa isang airport sa New Zealand.

--Ads--

Dahil alam niyo ba na meron lamang three minutes ang passengers sa Dunedin Airport para magpaalam sa kanilang mga mahal sa buhay.

Too short hindi ba? Hindi enough lalo na kapag aabutin na naman ng ilang taon bago makita ang loved ones na magtutungo sa ibayong dagat.

Bagamat mababasa kasi sa signage sa labas ng airport: “Max hug time 3 minutes.”

Subalit may rekomendasyon naman ang airport kung mas gusto nila ng mas mahabang paalamanan.

Kung saan dagdag na reminder, “For fonder farewells, please use the car park.”

Bukod dito nakalagay sa signage na may 15-minute window ang passengers para sa mas matagal na pamamaalam sa loved ones.

May valid reason naman ang airport kung bakit kelangang limitahan ang “hug time” ng mga pasahero.

Kung saan paliwanag ng chief executive officer ng Dunedin Airport, “We’re trying to have fun with it. It is an airport, and those drop-off locations are common locations for farewells.”

In short, gusto nilang may equal chances ang lahat.