BOMBO DAGUPAN- Nadelay ang isang flight sa Patna, Bihar sa India dahil sa intense na paghaharap ng isang cobra at mongoose.

Naudlot ang pagtakeoff ng isang eroplano matapos makita ng isang piloto ang dalawang wild animals at nagmistulang boxing ring ng mga ito ang runway.

Makikita sa isang video footage ang pag-atake ng cobra sa mongoose ngunit iniiwasan din ng mongoose ang makamandag na pag-atake ng cobra.

--Ads--

Halos pantay lang ang dalawa sa kanilang paghaharap hanggang sa dumating ang dalawang kasamahan ng mongoose.

Hindi man naging malinaw kung sino ang nagwagi, pumapabor pa din sa mongoose ang advantage nito dahil sa katangi-tanging abilidad nito pagdating sa kaniyang mabilis na reflexes at natural resistance sa kamandag ng cobra.

Ayon naman sa mga eksperto na 75%-80% ang tsansa ng mongoose na magwagi sa laban nito sa cobra. Saad pa nila, normal lang sa dalawang species ang mag-away.