Mga kabombo! Hindi lamang sa commercial or business industry at education industry ginagamit ang artificial intelligence (AI), kundi pati na rin sa simbahan?

Oo mga kabombo! Totoo ang inyong narinig, pati nga sa simbahan!

Ang makasaysayang simbahan kasi na St. Peter’s Church sa Lucerne, Switzerland ay nag-install ng AI-powered Jesus Christ.

--Ads--

Kung saan tinawag umano itong “Deus in Machina” na in-install sa confessional booth sa loob ng simbahan noong August 2024.

Ayon sa ulat, ang mga pumupunta sa confessional ay may makikitang screen na “avatar” ni Jesus Christ na mala-hologram.

Ang AI-powered Jesus ay programmed by theological texts, kung saan manggagaling ang kanyang mga sagot sa kumakausap dito. Verbal din ang pakikipag-usap ng AI at kaya pang makipag-usap ng 100 languages.

Kasunod nito, inimbitahan ng simbahan ang mga visitors na kausapin ang hologram ni Jesus na sumasagot in real-time interaction. Paglilinaw ni Marco Schmid, isang theologian sa St. Peter’s Church, inabisuhan ang visitors na ang kausap nila ay AI-generated. At pinapayuhan din ang visitors na hindi sila mangungumpisal.