DAGUPAN CITY–Mahigpit na ipinag-utos ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan sa mga pampubliko at pribadong ospital sa probinsiya ang agarang pagrereport sakanila kung may mga pasyente na dinadala sa kanilang pagamutan na hinihinalang biktima ng polio.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health Officer Dr Anna Marie De Guzman, sinabihan umano nila ang mga pagamutan sa probinsiya na agad ipagbigay alam sakanila sa loob ng 12 oras kapag may mga pasyenteng dinadala sa kanilang pagamutan ang mga hinihinalang polio victim.

Ito’y upang agad na makagawa ng kaukulang hakbang at maisailalim sa pagsusuri at makukuhang sample sa pasyente.

--Ads--

Nilinaw naman ni De Guzman na hindi tumigil sa pagbibigay ng vaccine sa polio ang lalawigan kahit pa 19 na taon ng polio free ang probinsiya.

Tuloy -tuloy aniya ang pagbibigay nito lalo na sa mga batang 1 taong gulang pababa kasabay ng kanilang regular immunization program.

Provincial Health Officer Dr Anna Marie De Guzman

Hindi naman aniya ito mahirap gawin dahil pinapatak lang ito sa bunganga ng bata o ang tinatawag na oral polio vaccine.