Isang bagong yugto ng buhay ang dumating sa actress na si Lovi Poe matapos niyang isilang ang kanilang first born baby.

Ibinahagi ni Lovi ang masayang balita sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng social media post ngayong linggo.

Sa naturang post, makikita ang aktres na mahinahong inuuyog at pinapatulog ang kanyang sanggol sa kanilang bahay sa Amerika.

--Ads--

Kasabay nito, ibinahagi ni Lovi ang kanyang taos-pusong mensahe at ang pagbating; “Welcome to the world, my love.”

Hindi pa ibinunyag ng mag-asawa ang pangalan at iba pang detalye tungkol sa kanilang anak upang mapanatiling pribado ang buhay nito.

Gayunpaman, bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan at tagasuporta ng aktres.

Matatandaang noong Setyembre, ipinahayag ni Lovi ang kanyang pagbubuntis sa publiko sa pamamagitan ng isang campaign video kasama ang isang lokal na clothing brand — isang rebelasyong ikinatuwa ng kanyang mga fans.

Bukod sa pagiging ganap na ina, kamakailan lamang ay ipinagdiwang din nina Lovi at Monty ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa nitong Agosto.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Lovi kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang asawa.

Nagpakasal sina Lovi at Monty sa isang civil ceremony na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.