Magsasagawa ng transport holiday o tigil pasada ang transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa araw ng Lunes, Marso 23, 2026.

Ayon kay ACTO national president Liberty De Luna, na hindi na nakakaya ng mga operator ng pampasaherong jeep ang tuloy-tuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Paliwanag nito na hindi sila papasada o lalabas ganun din ay magsasagawa ng anumang kaguluhan.

--Ads--

Nais nilang iparamdam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nahihirapan na sila kay ginagawa nila ang transport holiday.

Umapela din ito na dapat ay tulungan sila ng gobyerno sa kanilang service contracts at bank moratorium sa transport ccoperatives na nahihirapan makapagbayad sa mga modern jeepney units.

Kinansela naman ng grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang kanilang tigil pasada sa Lunes at sa halip ay magsasagawa na lamang sila ng pakikipag-usap sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).