Patay matapos pagbabarilin ang isang abogado matapos nitong dumalo sa hearing sa harapan mismo ng Justice hall dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Liutenant Colonel John Dale Sulit, hepe ng Dagupan City PNP, naganap ang insedente habang nasa labas na ng justice hall ang biktima na si Atty Val Crisostomo mula sa bayan ng Manaoag.

Dumalo umano ang biktima sa hearing ngayong umaga sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang insedente sakay ng isang motorsiklo.