Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na ibasura ang testimonya ng pangunahing witness ng prosecution.

Iginigiit kasi nila na bigo ang prosecutors na patunayan na hindi maaring tumestigo ang kanilang witness.

Maging ang mga pahayag aniya nito ay hindi kapanipaniwala kaya magiging ‘unfair’ ito sa mga akusado.

--Ads--

Sa inihain na petisyon nitong Nobyembre 18 na hiniling ng defense sa ICC Trial Chamber na ibasura ang hiling ng prosecutor na tanggapin ang ebidensiya ng witness P-0002 isa sa mga palagiang sources ng prosecutors sa kaso ni Duterte.

Kinukuwestiyon din ng defense ang hirit umano ng prosecution na ang P-0002 ay hindi makapagbigay ng testigo kung saan umaasa lamang ito sa impormasyon na umanoy naibigay sa kaniya noong nakaraang taon pa ng ilang indibidwal ng wala man lamang dokumento bilang ebidensiya.

Ayon pa sa depensa na una ng sinabi ng prosecutors na ang pahayag ng witness ay maaring maipakilalla ang isang bagong procedure bago aminin na iba ang nasabingprobisyon ng Rome Statue.

Kuwestiyonable din ang kredibilidad ng witness dahil paiba-iba ang kanilang mga pahayag.

Inaakusahan ang dating Pangulo na siyang responsable sa nangyaring patayan dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

Gaganapin sa Nobyembre 30 ang pagdinig kung saan inaasahan na unang tatawagin ang limang witness ng prosecution.

Magkakaroon naman sila ng winter break simula Disyembre 18.