Nakatanggap ng tulong na bigas ang mga benepisyaryo mula sa pitumpu’t tatlong barangay sa bayan ng Malasiqui sa isinagawang Ceremonial BBM Rice Distribution Project.
‎
‎Idinaos ang pamamahagi sa Arenas Civic Center sa pangunguna ni Municipal Mayor Alfe M. Soriano, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO at Department of the Interior and Local Government o DILG ng Malasiqui.
‎
‎Ang naturang proyekto ay programa ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Office of the President na naglalayong maihatid ang tulong sa iba’t ibang barangay at mas maraming mamamayan.
‎
‎Sa pamamagitan ng pamamahagi, naipararating ang suporta ng pamahalaan sa mga pamilyang kabilang sa mga benepisyaryo sa bawat komunidad.
‎
‎Patuloy namang nakikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui sa mga kinauukulang tanggapan upang maihatid ang mga programa at serbisyong inilaan para sa mga mamamayan.