Nagpahayag ng pagkabahala ang Sandiwa Network of Advocates for Indigenous Peoples and Moro Communities sa planong pagtatayo ng Pax Silica Hub sa Tarlac dahil sa posibleng epekto nito sa mga katutubo at kanilang mga lupaing ninuno.

Ayon kay Gina Cambronero, coordinator ng grupo, tinatayang sampung sitio na may populasyong aabot sa 16,500 ang posibleng maapektuhan ng proyekto, kabilang ang mga sakahan at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga katutubo.

Kinuwestiyon din ni Cambronero ang kawalan umano ng konsultasyon sa mga apektadong komunidad, gayundin ang kawalan ng malinaw na plano para sa relokasyon at kabuhayan ng mga posibleng mapaalis sa lugar.

--Ads--

Nanawagan ang grupo na kilalanin at igalang ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupaing ninuno at tiyaking kasama sila sa mga konsultasyon at pagpapasya hinggil sa mga proyektong pangkaunlaran.