Naging maayos at pangkalahatang mapayapa ang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits nitong Linggo, Nobyembre 15, sa gitna ng pinaigting na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa pagdating ng mga lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr ang mga pulis at katuwang na ahensya sa maayos na pagbubukas ng summit, ngunit iginiit na kailangang manatiling alerto dahil nakatakda pa ang pangunahing aktibidad ng pagpupulong sa Nobyembre 16 hanggang 18.

Inatasan din niya ang mga yunit ng pulisya na ipagpatuloy ang mahigpit na koordinasyon, panatilihin ang presensya ng mga pulis at tiyakin ang maagap na pagtugon sa anumang banta sa seguridad.

--Ads--

Nasa Full Alert Status ang mga yunit ng PNP sa National Capital Region, Region 3 at Region 4A, gayundin ang mga nakabase sa Camp Crame.