Naaresto ng FBI si Thomas Markle ang ama ni Duchess of Sussex ng Britanya na si Meghan Markle.

Ayon kay FBI Director Kash Patel , na kanilang kinustodiya ang 82-anyos na si Markel sa isang nursing home sa Florida.

Dagdag pa ng FBI Director na tinatarget ni Markle ang mga inosenteng mga bata at kaniyang ninanakawang ang kamusmusan sa kaniyang mga kriminal na gawain.

--Ads--

Kinasuhan si Markle dahil sa mga nakumpiskang materyales na mayroong larawan itong nakahubad habang kasama ang ilang mga walang saplot na mga kababaihan na menor de edad sa nirerentahan nitong storage unit sa California.

Nahaharap si Markleng one count of possession of child pornography sa US District Court sa Los Angeles.

Ayon sa US Justice Department na kapag ito ay mahatulan ay maaring makulong ito ng hanggang 20 taon.

Si Markle na resident ng Lakeland, Florida ay una ng dumalo sa korte sa US magistrate judge malapit sa Tampa.

Inatasan ito ng judge na makalabas habang hinihintay ang pagdinig sa kondisyon na ito ay dapat nasa home detention at mayroong electronic monitoring

Wala itong naumang plea na ipinasok at inaasahan sa mga susunod na linggo ay magsisimula ang arraingment.

Base sa affidavit mula sa FBI na inihain bilang criminal complaint, itinago ni Markle ang mga sexually explicit material sa dalawang storage units na kaniyang nirentahan sa Los Angeles mula pa noong 2008.

Noong nakaraang linggo ay hinalughog ng FBI agents ang storage facilities kung saa nakakuha sila ng 78 items kabilang ang 35mm na film negativs, mga libro na naglalaman ng sexual abuse na larawan.

Maging ang mga otoridad sa bansa kung saan nanirahan si Markle ng ilang buwan ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon.

Mariing itinanggi ng 82-anyos na film director ang nasabing alegasyon laban sa kaniya.

Maging si Meghan Markle na isang aktres at ikinasal bunsong anak ni King Charles noong 2018 ay labis itong nalulungkot sa nasabing alegasyon.