Nasungkit ni Russian tennis player Diana Shnaider ang kampeonato sa Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan matapos talunin ang Canadian player na si Leylah Fernandez sa iskor na 6-4, 5-7, 6-2 nitong Linggo.
Naitala ni Shnaider ang panalo matapos makabawi sa ikalawang set kung saan nakahabol si Fernandez at naitabla ang laban. Naging dikdikan din ang simula ng deciding set bago tuluyang nakontrol ng Russian player ang laro at tinapos ito sa loob ng dalawang oras at 18 minuto.
Dahil sa panalong ito, naipagpatuloy ni Shnaider ang kaniyang impresibong rekord na anim na sunod na panalo sa mga finals ng Women’s Tennis Association o WTA Tour.
Nagpasalamat naman ang 22-anyos na si Shnaider sa kaniyang coach at tinawag na malaking tagumpay ang pagkakamit nila ng unang titulo ngayong season.
Samantala, ikalawang sunod na finals appearance ito ni Fernandez matapos mabigo rin sa world number one na si Elena Rybakina sa Ningbo Open noong nakaraang linggo.










