Ibinahagi ni Dr. Argel B. Masanda, psychologist ng WUDNT Psychological Institute, ang kahalagahan ng mental health bilang kapantay sa pagpapahalaga sa pisikal na pangangatawan.
Ayon kay Masanda, may malaking pinagkaiba ang mental health ng isang tao kung ikukumpara sa madaling matukoy kalagayan ng pisikal na kalusugan, dahil hiindi umano ito basta bastang nakikita o nararamdaman sa pisikal na pamumuhay ng isang tao.
Binigyang-diin din niya na hindi dapat ituring ang suliranin sa mental health na pawang nasa isip lamang dahil maaari rin itong maiugnay sa malaking pagbabago sa paggana ng utak at iba pang proseso sa pisikal na katawan.
Samantala, pinayuhan naman ni Masanda ang mga kabataan na manatiling maging mapanuri at maingat sa mga nakikita sa social media at umiwas sa negatibong pagkukumpara ng sarili sa iba dahil hindi lahat ngnakikita online ay isang kabuoang larawan ng katotohanan sa buhay ng isang tao.










