Dagupan City – Municipal Police Station (MPS) para sa inaasahang dagsa ng mga kababayan at bisita ngayong nalalapit na Oplan Undas 2026.

Ayon kay Police Major George Banayos Jr., Acting Chief of Police ng San Nicolas MPS, magtatayo at maglalagay ng mga Police Assistance Desk (PADs) sa mga strategic na lugar upang magbigay ng mabilis na tulong at seguridad sa publiko lalo na sa mga kakalsadahan.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi na kailangang magpatupad ng alternate routes ngayong taon dahil sapat naman ang lawak ng mga pangunahing kalsada sa bayan papuntang sementeryo.

--Ads--

Ibinahagi nito na nasa 4 ang sementeryo na kanilang babantayan katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensya.

Upang maiwasan ang pabalik-balik na buhol ng trapiko, ipatutupad din aniya ang “Stop-and-Go” scheme sa tapat mismo ng sementeryo.

Sa ilalim kasi ng sistemang ito papayagan lamang ang panandaliang pagbaba ng mga pasahero sa tapat ng sementeryo at agad na ididirekta ang mga sasakyan sa nakatalagang parking area sa kabilang bahagi ng kalsada.

Bukod sa sementeryo, inaasahan din aniya ang pagdagsa ng mga bisita at balikbayan mula sa labas ng lalawigan at karatig-bayan sa ilang mga tourist destination dito dahil maraming mga maaring pasyalan na kanilang ipinagmamalaki.

Kabilang sa mga kilalang pasyalan sa bayan ay ang Malico na kinalalang Barangay Summer Capital ng Pangasinan, kasama din ang tanyag na Agpay Eco Park, at iba pang atraksyon na tiyak na bubuo ng kanilang bakasyon.

Dahil dito, nanawagan siya na maging maingat lamang sa kanilang pagtungo sa mga lugar na ito upang samantalahin ang pagkakataon na mabisita ang mga kilalang tourist destination sa San Nicolas pagkatapos mag-alay ng bulaklak at kandila sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa sementeryo.

Pagtitiyak nito, nakatutok ang buong pwersa ng San Nicolas MPS kasama ang mga katuwang na barangay tanod at local responders upang matiyak ang mabilis, ligtas, at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon.