Dagupan City – Dalawampu’t limang magsasaka sa Calasiao ang nagtapos sa isang pagsasanay sa pag-aalaga ng mga manok na nangingitlog, na layong madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa poultry production.

Isinagawa ang Season-Long Farmers Poultry School on Layer Chicken Production para sa mga benepisyaryo ng LEED sa pangunguna ng Calasiao Agriculture Office at Agricultural Training Institute Region One.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng layer chickens na maaari nilang magamit sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

--Ads--

Dinaluhan din ang programa ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Councilor Joffy A. Loresco at Municipal Veterinarian Dr. Jorge Bandong.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Patrick Agustin Caramat, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang sumusuporta sa mga magsasaka at sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.